ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

'Wish Ko Lang' Korea special


Wish Ko Lang
Sabado, November 15, 2014
3:15 PM sa GMA-7


MY TEACHER, MY HERO



Pitong taon na raw na guro sa mga Koreano sa isang paaralan sa Bulacan si Teacher Grace. At sa aming pagsusuri, siya ang paborito ng mga mag-aaral. Masiyahin daw kasi ito at matiyagang magturo - ang sabi nga nila, talo pa raw niya ang mga estudyante kapag kultura ng bansa nila ang pinag uusapan. Alam daw niya lahat, kulang na nga lang ay makarating siya dito! Masuwerte rin siya at malalambing ang mga nagiging estudyante niya. Ang malungkot lang daw ay sa tuwing natatapos ang klase dahil uuwi na rin sa Korea ang mga mag-aaral niya.

Pero ang hiling na sila ay makita, sa isang iglap,natupad dahil sa Wish Ko Lang! Dahil sa unang pagkakataon, nakapunta si Teacher Grace sa Korea! Dinayo na niya ang mga patok na pasyalan at ang ekslusibong pagbisita nila sa "My Love from the Star" set! At siyempre, hindi mawawala ang madamdamding tagpo ng aming sorpresa sa reunion niya at ng mga dating estudyante.

ANO ANG WISH MO SA PASKO?



Hindi nila sineseryoso ang Pasko dito sa Korea, hindi katulad sa atin sa Pilipinas", ito ang tugon ng mga Overseas Filipino Workers na nakausap ng grupong ng Wish Ko Lang habang nag iikot ito sa Probinsya ng Gwangju, Gyeonggi, South Korea. Wala nga raw salitang pwedeng maghambing kung gaano kalamig at kalungkot ang Kapaskuhan ng mga Filipinong tinitiis na mawalay sa pamilya para makipagsapalaran sa isang dayuhang bansa tulad ng Korea.

Pero papaano kung ang kanilang mga mumunting hiling ngayong Pasko para sa mga mahal sa buhay na naiwan dito sa Pilipinas ay magkaroon ng "instant" na katuparan. Yun bang tipong nabanggit lamang nila sa isang simpleng kwentuhan na gusto nila ng bag para sa anak dito sa Pinas o kaya naman pagkaing pagsasaluhan sa Noche Buena ng isang kapatid na nasunugan sa Maynila at walang ano-ano'y darating na lamang ito sa kanilang mga mahal sa buhay.

Ito ang surpresang ikinasa ng aming programa para naman maghatid ng ngiti at pag-asa para sa mga anak, asawa, magulang at kaibigan na nangungulila sa kanilang mahal sa buhay na nasa malayong lugar tulad ng Korea.

Tags: prstory, korea, korean, ofw