ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Boy De Guia's regret


Boy De Guia was once a pillar of show business, a pioneer of talent search shows who was also a film producer and an entertainment writer for newspapers and magazines. He was called the male “Inday Badiday" then, after another show-biz pioneer. But De Guia lost his fortune when he got sick and he now regrets having been a big spender who failed to save in his hey-day. De Guia now sleeps at the balcony of a neighbor and has taken to long, pointless walks. If he’s lucky, he gets a bit of help from some people he knew when he was still rich and famous. After a debilitating stroke, the once chatty television host is now gaunt, and finds it terribly difficult to talk. Wish Ko Lang! comes to De Guia’s aid, and hopes to bring him some cheer. Meawhile, actress Rita Avila also wrote Wish Ko Lang! to seek help for Mac-Mac Comaling, the adopted child of her former teacher. Comaling is terribly sick and is said to have but one year to live. The program helps Avila bring some happiness to the child. Watch these inspiring Wish Ko Lang! stories on Saturday, 4:30 p.m. on GMA-7.


Ang pagsisisi ni Boy De Guia at muling pagluha ni Rita Avila “Naging waldas kasi ako noon. Kaya ngayon, nagsisisi ako kung bakit di ako nag-ipon." Ito ang mga salitang nagmula mismo sa noo’y kinikilalang ama at haligi ng Philippine Showbiz na si Boy C. De Guia. Ilang dekada bago nauso ang Starstruck at iba pang talent search, namayagpag nang programang Star Brighters ni Kuya Boy. Tampok dito ang mga iniidolong kabataang artista noon. Bukod sa telebisyon, aktibo rin si Kuya Boy bilang producer sa pelikula at reporter/writer sa mga dyaryo’t magasin. Lalaking Inday Badiday nga kung siya’y tawagin ng ilan. Marangya ang buhay ni Kuya Boy noong kasikatan niya. Hindi niya akalaing pansamantala lang pala ang lahat. Nang tamaan ng sakit, lalong naubos ang mga naipundar ni Kuya Boy. Ngayon, sa balkonahe ng isang kapitbahay na lang nakikitulog si Kuya Boy. Madalas paikot-ikot at palakad-lakad ng di alam kung saan ang punta. Kapag sineswerte nakakahingi siya ng tulong sa mga dating natulungan. Ang masigla at madaldal na TV host noon, payat na payat na. Dahil sa stroke, hirap na ring makapagsalita si Boy C. de Guia. Mabuti na lang at natunugan ng Sa Wish Ko Lang! ni Vicky Morales ang kaniyang kalagayan. Ngayong Sabado, susubukan ng programang matulungang bumangon muli si Kuya Boy. Kasabay ng kuwento ni Kuya Boy ay ang kahilingan ng aktres na si Rita Avila. Sumulat ang aktres sa programa para sa anak-anakan ng kaniyang dating guro. May matinding sakit si Mac-Mac Comaling at isang taon na lang raw ang natitira sa buhay ng bata. Hindi alam ni Rita kung sapat ang kaniyang kakayahang pasiyahin si mac-Mac. Kaya sa tulong ng Wish Ko Lang!, paano kaya mapapaligaya ng aktres ang batang may taning na? Punung-puno na naman ng aral, sorpresa’t inspirasyon ang pilit ginagaya ngunit di mapantayang, Wish Ko Lang! ngayong Sabado, ika-2 ng Hunyo, 4.30 ng hapon, sa GMA-7.
Tags: wishkolang