ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Pag-iibigang sinira ng selos at pang-aabuso, tampok sa 'Wish Ko Lang'

Wish Ko Lang!
May 2, 2015
“KANDADO”
Ito ay kuwento ni Jenny, dating waitress sa bahay-aliwan at ng kanyang mister na si Boyet, dating customer sa bar. Nagsimula sa kumpul-kumpol na puting rosas ang kanilang pag-iibigan. Pero habang tumatagal, ang mga malalagkit na tingin ni Boyet, nauwi sa nanlilisik na mata. Sapilitan niyang ginagamit ang kanyang asawa at kapag tumanggi, bugbog ang abot nito. Pinipilit rin si Jenny na manood ng malalaswang pelikula para raw ganahan. At sa tuwing lalabas ng bahay si Boyet, kinakandado niya ang mag-ina sa loob ng bahay. Hindi makakibo, hindi makatakas!
Paano nauwi sa mapait na romansa ang dating matamis na pag-ibig? Magbubukas ba ang pinto ng pag-asa para kay Jenny at sa kanyang anak? Abangan ang buong kuwento sa pagganap nina Andrea Del Rosario at JC Tiuseco sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado, 3:15 p.m., pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.
Tags: plug
More Videos
Most Popular