ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Babaeng pinagbintangang mangkukulam ng kaniyang hipag, tampok sa 'Wish Ko Lang'

Wish Ko Lang!
May 9, 2015
“H I P A G”
Kung agad tayong magpapatalo sa duda at selos, tiyak magiging sarado na ang ating isipan at galit ang maghahari sa puso natin. Ganito ang sumira sa magandang samahan ng mag-hipag sa kuwentong itatampok ng Wish Ko Lang!
Nang umuwi ang OFW na mister ni Sandra, kinutuban siya sa parang kakaibang turingan sa pagitan ng kanyang asawa niya at sa hipag niyang si Eliza. Pero ang totoo, siya lang ang nagbibigay malisya rito, kaya mula noon, sa kanyang inis, hindi lang niya inaway si Sandra, ginawan pa niya ng intriga, ipinagkalat niya na si Eliza ay isang mangkukulam. Nataon din kasi na sumasakit ang kanyang tiyan at paniwala niya, ang hipag niya ang may kagagawan nito. Ang masama pa rito, pinaniwalaan sa kanilang lugar ang ikinalat niyang niyang tsismis. Iyon na ang hudyat ng pagliit ng mundo ni Eliza, siya’y biglang iniwasan, kinatakutan at pinandirihan ng marami. Paano na mababawi ni Eliza ang kanyang pagkatao at higit sa lahat paano kaya maayos ang gusot nilang mag-hipag?
Tunghayan sina Rochelle Pangilinan, Janna Dominguez at Arthur Solinap para isabuhay ang mga nakaka-antig na mga tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado, 3:15 p.m., pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.
Tags: plug
More Videos
Most Popular