ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Jay Manalo's foster mom, and conjoined twins
Episode on July 14, 2007 Saturday, 4:30 p.m. Actor Jay Manalo made the news last week when he was detained him after reportedly making a bomb joke inside an aircraft, which is strictly banned by airport authorities. It turns out that Manalo was on his way to Palawan to see his 64-year-old foster mother, Angelina Laus. The woman, despite herself being of modest means, took in Jay when he was a homeless child at Luneta Park in Manila. An unfortunate incident caused the two become separated and when Manalo became an actor, it surprised even his foster mother. Now that Lausâ birthday approaches and Manalo was unable to leave for Palawan, will the two ever see each other again? Find out on Wish Ko Lang! The program, hosted by Vicky Morales, also features the story of Tony and Johnny Cabanlig, conjoined twins living in Pampanga who have persevered against all hardship. Watch these Wish Ko Lang! stories this Saturday afternoon on GMA.
Laman ng balita ang aktor na si Jay Manalo noong isang lingo. Hinuli at na-detina kasi ang aktor sa airport matapos itong magbitaw diumano ng bomb joke sa loob ng eroplano. Buong araw nakulong sa himpilan ng domestic airport ang batikang aktor na aalis pala sana kasama ang programang Wish Ko Lang! At babae pala ang dahilan dapat ng pag-alis ni Jay. Malapit sa puso ng aktor si Angelina Laus na nakatira na sa Palawan. Paano ba naman ito pala ang kumupkop sa aktor noong siyaây nagpagala-gala noon sa Luneta. Di marangya ang buhay ng pamilya ni Nanay Angelina pero pinilit niyang buhayin ang mga anak at kasama na si Jay dito. Pero nagkalayo ang kanilang landas matapos ang di inaasahang insidenete. Nabigla na lang si Nanay Angelina nang malamang nag-artista na ang anak-anakan. Ngayong nalalapit na ang kaniyang ika-64 na kaarawan, si Nanay Angelina walang ibang wish kundi makitang muli ang aktor. Pero dahil hindi pinayagang lumipad si Jay, panno pa kaya magkikiita ang dalawa? Tampok din sa Wish Ko Lang ang nakabibilib na kuwento nina Tony at Johnny Cabanlig. Sila ang tinaguriang kambal-tuko ng Pampanga na literal na magkakabit ang bituka. Sa kabila ng mga pangungutya na kanilang inaabot dahil sa kanilang kalagayan, pilit pa ring lumalaban sa buhay ang kambal. Talagang hindi puedeng palampasin ang programa ni Ms. Vicky Morales! Kakaiba ang mapapanood ninyo sa Wish Ko Lang sa ika-14 ng Hulyo, Sabado, 4.30 ng hapon sa GMA 7.

More Videos
Most Popular