ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Ang batang nanatiling matatag sa kabila ng kapansanan 




Wish Ko Lang!
Oct 3, 2015 "M A R I E L"

 
      Bawat magulang, biyaya raw ang turing sa kanilang mga anak, kahit pa sila ay may kapansanan. Ganito kasi nang isilang ang mga anak ni William at Glenda, ang panganay na anak ay may kondisyon sa pag-iisip habang ang bunso naman na si Mariel, madalas makutya na "tipaklong" dahil sa kanyang pagkandirit. Ipinanganak kasi siya na isa lang ang paa at ang mga daliri sa kamay ay kulang sa bilang. 
 
     Pero sa kabila ng kanyang kakulangan, daig pa niya ang ibang bata dahil ulirang anak kung siya'y ibida ng kanyang mga magulang. Maaasahan sa gawaing-bahay at nag-aalaga rin ng kanyang kuya. Kaya naman, biyayang tunay si Mariel ng kanyang pamilya.
 
     Ngunit biglang maiiba ang ihip ng hangin, kung ang pinupuring si Mariel ang magdudulot ng problema sa kanyang mga mahal sa buhay, mababago na rin ba ang pagtingin sa kanya? Lalo kayang mapupuntirya ang kanyang kapansanan na maaaring naghudyat daw ng gusot sa kanilang pamilya? 
     
 
      Abangan sina Chlaui Malayao, Julian Trono, Bettina Carlos at Neil Ryan Sese para gampanan ang mga pagsubok sa buhay ni Mariel at ng kanyang pamilya sa Wish KoLang! , kasama si Vicky Morales, Sabado, 3:15 pm, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.
Tags: wishkolang, pr