ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mga pagsubok ng isang babaeng pipi at bingi, tampok sa 'Wish Ko Lang'



Wish Ko Lang! 
Pipi

Oct. 17, 2015
 
Pipi’t bingi si Liezel, ngunit sa kabila ng kanyang kapansanan lumaki siyang masayahin at masunurin na anak dahil pinunan naman siya ng pagmamahal ng kanyang ina at kapatid.

Pero isang kaganapan ang maghuhudyat ng mga pagsubok sa buhay ng dalaga. May mga tao kasing pinagsamantalahan ang kanyang kahinaan. Ginahasa si Liezel at ang mas nagpabigat pa sa sitwasyon, nagbunga ang karahasan na ginawa sa kanya dahil siya ay nabuntis. Mahirap daw tanggapin ang bata lalo pa’t paalala ito ng kahayupang ginawa sa kanya. Matagal bago lumambot ang puso ni Liezel sa kanyang anak at umiral na ang pagiging ina niya.

Kinalimutan man ang mapait na kabanata ng kanyang kahapon, muli na namang sinubukan ang kanyang katatagan, dahil sa kasamaang palad, ginahasa muli si Liezel at muli na naman siyang nagdalang tao.   

Tunghayan sina Wynwyn Marquez, Elle Ramirez, Kristoffer King at Maria Isabel Lopez para isabuhay ang mga pagsubok sa buhay ni Liezel sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ngKarelasyon sa GMA-7.
Tags: wishkolang, pr