ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
WISH KO LANG

Babaeng may autism, sisikaping buhayin ang pamilya sa kabila ng sakit




 
Wish Ko Lang!
Oct 31, 2015 
“Awit Ni Danica”
 
Isang porsyento, o isa sa bawat isandaang Pilipino raw ang may autism, isang medikal na kondisyon kung saan nahihirapan ang utak na maintindihan ang mga bagay at pangyayari sa kanyang kapaligiran. Pero sa kabila nito, kadalasan sila naman ay may nakahahangang husay sa sining o sa numero.

Gaya ni Danica, noong bata pa raw siya, ipinagtataka ng kanyang pamilya kung bakit hindi siya maka-usap ng matino at di pangkaraniwan ang kanyang ikinikilos. Nang ipasuri, napag-alaman na siya pala ay may autism. Mahirap daw tanggapin noong una, dahil hindi alam ng kanyang mga magulang kung paano matutukan at masusuportahan ang kanyang mga pangangailangan. Nariyan pa ang kaakibat na mapanghusgang mata sa paligid, dahil basta kakaiba, madalas din mapagdiskitahan at mapagkatuwaan.

           Pero nang minsang maiwanan ang mikropono ng videoke, bigla na lang daw may narinig silang magandang tinig. Iyon pala, si Danica na ang kumakanta. Mula noon, ang pag-awit na ang naging paraan ng dalaga  para maihayag ang sarili at mapatunayan na hindi dapat maliitin o hiyain ang mga taong kakaiba. Dahil kagaya din natin sila na may kakayahan, may kinabukasan, at may pangarap. 

Tunghayan natin ang kuwento ng pagtatagumpay ng isang mag-anak laban sa stigma na dala ng pagkakakroon ng autism. Abangan sina Gabbi Garcia, Johnny Regaña, Dino Guevarra at Katya Santos sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.
Tags: wishkolang, pr