Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Babaeng pumayag makasama ang kalaguyo ng mister, tampok sa 'Wish Ko Lang'


 

Isang lalaki, sabay na itinira sa iisang bubong ang dalawang babae? Sadyang bihira at kontrobersiyal ang ganitong sitwasyon pero sa ngalan ng pag-ibig, nagawang tiisin ni Raquel ito. Wala na rin siyang nagawa nang bigla na lang patirahin ng kanyang kinakasamang si Luis ang bago nitong kasintahan na si Victoria.
 
Katwiran ni Raquel, mas magiging kawawa raw sila ng mga anak niya kung paiiralin niya ang nasaktan niyang puso at pagkatao. Nagbingi-bingihan na lang siya sa mga bumabatikos sa paligid at tinitiis na lang niya ang selos. Sa katunayan, habang nagdadalantao siya sa kanyang bunso, natutunan niyang tanggapin na sabay ding nagbuntis si Victoria.
 
Sadya bang martir lang si Raquel? Magandang imahe ba ito bilang magulang sa mata ng kanilang mga anak?
 
Tunghayan sina Maureen Larrazabal, Jade Lopez at Mon Confiado para isabuhay ang mga tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.
Tags: pr