Inang minaltrato ng sariling anak, tampok sa 'Wish Ko Lang'

Buong buhay halos ni Lola Cecilia ay inalay niya sa mga anak at apo niya. Katunayan kahit matanda na, namamasukan pa siya bilang kasambahay para lang may maipadala sa kanyang anak na si Matias na kahit pamilyado na ay naka-asa pa rin sa kanya.
Ngunit nang malaman ni Matias na magreretiro na ang ina, todo kontra siya rito dahil alam niyang mahihinto na ang sustento sa kanya. Kaya nang umuwi na si Lola Cecilia, naging matabang ang pakikitungo sa magulang. Maliban sa walang paggalang at pagdadabog, humantong na rin sa matinding ang pananakit sa sariling ina. May insidente na pinalo niya ng martilyo si Lola Cecilia dahil lang sa kinain ang kaning nakatabi.
Umuugong na ang balita sa kanilang lugar tungkol sa maling trato ng anak sa ina, pero si Lola Cecilia, pinagtatagpan pa si Matias dahil naniniwala siya na magbabago pa at nasa lugar lang ang ikinikilos dahil nakikitira lang siya sa anak.
Nang hindi na nakapagpigil si Lola Cecilia, umakma siya na sasampalin si Matias dahil sobra na ang kasamaan nito, pero nahawakan ito ng anak at pinilipit ang kamay ng matanda na naging dahilan sa pagkakomang nito.
Saan ba nagkulang si Lola Cecilia at bakit siya binigyan ng ganitong pagsubok bilang magulang?
Tunghayan sina Elizabeth Oropesa, Rodjun Cruz at Ina Feleo para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.