ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Cancer patient; birthday surprise


Episode on September 15, 2007 Saturday, 4:30 p.m. Comedian Jose Manalo was set to make a fan happy. His fan, Patrick Ong, suffers from rhabdomyosarcoma or a type of muscle cancer that has left wounds all over his face such that his nose and mouth no longer seem recognizable. But on the day they were supposed to meet, Patrick was rushed to the hospital and found to be in critical condition. Will Jose meet Patrick in time? A musician from Iloilo named Richard Garganta suffered a severe asthma attack that left him unable to breathe for six minutes. It was considered a miracle that he survived. Richard is also a polio victim such that one of his legs is smaller than the other. It has surprised a lot of people that he is drummer in a band, which is also his means of living. As his birthday approaches, how will Richard celebrate his new lease on life? Watch these stories by Wish Ko Lang!, hosted by Vicky Morales, on Saturday, 4:30 p.m., on GMA.
Jose Manalo, maabutan ba kayang buhay ang fan? Isang tagahanga ang nakatakdang paligayahin ng magaling na komedyante na si Jose Manalo. Siya si Patrick Ong na may sakit na kung tawagi’y Rhabdomyosarcoma, isang uri ng cancer sa muscle. Dahil sa sakit, halos kainin na ng sugat ang buong mukha ni Patrick. Tila nawala na ang kaniyang ilong at bibig. Isa sa mga nagpapagaan sa kalooban ni Patrick ay ang panonood sa kaniyang idolong si Jose Manalo ng Eat Bulaga. Pero sa araw nang kanilang pagkikita, sinugod sa ospital si Patrick dahil nagging kritikal ang kaniyang lagay. Maabutan pa kayang buhay ni Jose ang kaniyang taga-hanga? Samantala, nanganib na rin minsan ang buhay ni Richard Garganta, musikerong tuobong Iloilo. Dahil sa sakit na Acute Asthma, nalagot ang hininga ni Richard sa loob ng anim na minuto. Milagro nga raw talagang siya’y nabuhay pang muli. May polio rin si Richard kaya maliit ang isang paa. Kaya tila di pang-karaniwan na siya’y maging drummer ng banda. Ang pagtugtog ang tanging paraan para buhayin ni Richard ang kaniyang anak. Ngayong nalalapit na muli ang kaniyang kaarawan, paano kaya gagawing mas makabuluhan ni Richard ang pangalawa niyang buhay? Kaabang-abang na naman ang mga kuwento ng Wish Ko Lang!, pangunguna ni Vicky Morales, sa ika-15 ng Setyemre, Sabado, 4:30 ng gabi, GMA-7.