ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Dalagang madalas umanong sapian, tampok sa 'Wish Ko Lang'


 


Hindi raw tulad ng ibang dalaga ang dinadanas ni Kris. Madalas daw siyang sapian ng mga kahindik hindik na elemento. Noong una, sa panaginip lang daw siya dinadalaw at may mga pagkakataon naman na pakiramdam niya’y laging may nagmamasid sa kanya sa tuwing naglalakad siya.

Hanggang sa isang araw, nagulat na lang ang pamilya niya na bigla na lang siyang nagwala. Kung anu-ano raw ang sinasabi niya at nahirapan silang pigilan dahil sobrang lakas daw niya.

Humingi na sila ng tulong sa albularyo at ang sabi nito, may engkanto umano na gustong asawahin si Kris. Isasama na raw siya sa kanilang mundo at walang ibang lalaki na puwedeng umangkin sa dalaga.

Totoo nga bang may sumanib na kaluluwa kay Kris…o di kaya’y may malalim na dinadalang problema ang dalaga?  Isinangguni ng Wish Ko Lang ang kaniyang kalagayan sa isang psychiatrist.  Ngayon lang daw matitingnan ng doctor ang dalaga.  Mayroon nga bang engkanto o may siyentipikong dahilan kung bakit siya nagkaganito?

Abangan ang pagganap nina Joyce Ching, Billy James at Tina Paner para isabuhay ang mga nakakakilabot at nakaka-antig na mga tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.

Tags: plug, pr, wishkolang