ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Lalaking kumadrona, kikilalanin sa 'Wish Ko Lang'


 


Kapag sinabing kumadrona, tiyak iisipin na trabahong pambabae ito. Pero sa Compostela Valley, makikilala ang binatang si Jojit na isang midwife! Iilan lang daw sila sa bansa na lalaking kumadrona, kaya hindi maiiwasan na may mga misis na hindi sanay at ilang sa kanila kaya pati kakayahan nila ay pinagdududahan.

Ayon kay Jojit, hindi naging madali na makuha ang loob ng ilang komyunidad kung saan sila nadedestino. Minsan, mas may tiwala pa sila sa nakagisnang “hilot” kaysa sa kanya na nag-aral ng ligtas na pagpapa-anak. Buti na lang, nadadaan niya sa biro lalo na pag inaamin niya na siya ay may pusong babae kaya wala raw dapat ikahiya ang babaeng manganganak.

Pero maliban dito, isa sa 'di malilimutan ni Jojit sa kanyang pagiging kumadrona ay nang minsang may isilang na sanggol na walang buhay. Sa pagkakataon daw na iyon, masusubukan si Jojit, may kinalaman ba siya rito o may magagawa pa siya sa sitwasyong iyon?

Tunghayan ang pagganap nina Mel Martinez, Lucho Ayala, Arianne Bautista at Odette Khan para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.

 

Tags: plug, pr, wishkolang