Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Lovi Poe, bibida sa 'Wish Ko Lang'


 


Kung bumitaw lang si Mary June sa kanyang pangarap noon, malamang daw ay hindi niya natuklasan ang talento niya sa pagguhit. Isinilang daw siya na may kapansanan, kaya nakabaliko ang mga kamay habang ang mga paa naman ay nakapirming nakadiretso kaya hindi siya makalakad.

Noong una, mahirap daw tanggapin na habambuhay na siyang naka-asa at parang pabigat sa iba. Pero mabait daw ang kanyang pamilya, lagi silang nakasuporta sa kanya, kaya kalaunan, natutunan niyang maging positibo ang pananaw sa kabila ng kanyang sitwasyon. Sino ang mag-aakala na kahit hindi siya nakatungtong ng eskuwela ay natuto siyang magbasa at magsulat? Dahil lang daw ito sa panunuod niya sa telebisyon? Maging ang pagguhit at pagpinta, wala raw nagturo sa kanya, nagsumikap lang si Mary June para mahasa ang sarili sa sining na ito.

Sa kanyang mga obra, hindi lang nailalabas ang kanyang saloobin, paraan din daw ito para ipa-alala sa kanya na hindi dapat maging hadlang ang kahinaan, sa halip ay gawin itong inspirasyon sa pagsugod sa kahit anong pagsubok.

Tunghayan ang pagganap ni Lovi Poe bilang Mary June, kasama niya rin sina Isabel Granada at Klea Pineda para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Karelasyon sa GMA-7.

Tags: plug, pr, wishkolang