ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Sanya Lopez, bibida sa 'Wish Ko Lang'


 


Kahit daw na isinilang na Eba si Rose Jean o alyas RJ, taglay niya raw ang puso ng isang lalaki. Hilig niya rin daw ang sports, katunayan ito ang naging daan para siya ay makatungtong ng kolehiyo. Sumali siya sa varsity ng kanilang pamantasan sa Bataan para malibre ang kanyang matrikula. Maliban dito, tumutulong din siya sa kanyang pamilya kaya pinagsasabay niya ang pag-aaral at kung ano ang puwedeng pagkakitaan. Sumabak na siya sa pagtitinda, sa construction at maging payaso sa mga party.

Pero kahit determinado at makulay ang kanyang buhay, may mga pagkakataon na nasa bingit na siya ng pagsuko sa mga pagsubok. Maliban kasi sa kahirapan, may ilan pa rin daw na kumukutsa at humuhusga sa pagkatao ni RJ.

Tunghayan ang pagganap nina Sanya Lopez, Ervic Vijandre at Catherine Rem para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales. Ito po ang handog ng ating programa bilang pakikiisa sa 'Pride Month' na mapapanood n'yo na ngayong Sabado ng hapon pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.