ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Mika dela Cruz, gaganap bilang cheerleader sa 'Wish Ko Lang'


 


Hilig na ni Jenny noon ang sumayaw, ito rin ang naging daan para makasali siya  sa cheering squad sa kanilang pamantasan sa Bicol. Kaya naman, masaya raw ang buhay estudyante niya, nagagawa na raw niya ang gusto niya, libre pa ang pag-aaral niya bilang iskolar.

Pero isang araw, habang nagtatanghal ang grupo ni Jenny ng karaniwang  routine nila, sa bahagi na ihahagis na siya sa ere, hindi siya nasalo ng tama kaya akdsidenteng nahulog siya. Ang masama nito, marami ang napinsala sa kanya. Naapektuhan kasi ang kanyang pagkilos, maging ang kanyang pananalita ay naging utal-utal na, sa madaling salita, halos naging gulay na ang kalagayan niya. Mula noon, naging alagain na siya ng kanyang pamilya.

Ngunit ang isang kaanak nila, akala nila’y tunay na nagmamalasakit kayJenny, pero ang totoo, matagal na palang may pagnanasa sa pamangkin, kaya ngayong hindi na makakapalag, nakakuha ng tiyempo at pinagsamantalahan ang kawawang dalaga!

Tunghayan ang pagganap nina Mika dela Cruz, Jak Roberto at Paolo Paraiso, para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.

Tags: pr