ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Kapalaran ng isang dating preso, mapapanood sa 'Wish Ko Lang'


Wish Ko Lang!
Dec 2, 2017
"Ex-Con"

 


Isang masayang okasyon na nauwi sa madugong trahedya, ito raw ang tagpong nagpabago sa buhay ng pamilya ni Rolly. Kainuman daw nila noon ng kanyang biyenan na lalaki ang ilan pang mga kaibigan, pero nang malasing na, nagkabiruan at nagkapikunan na humantong sa gulo. Ang masama nito, sa halip na maawat ni Rolly ang galit na biyenan, aksidente niya raw na nasaksak ito at namatay.

Kahit puspusan ang paghingi ni Rolly ng tawad sa kanyang misis, kinasuhan pa rin daw siya nito at ipinakulong. Pinagkait din na madalaw siya ng kanilang mga anak. Halos kainin ng lungkot si Rolly sa piitan, ngunit nagpursige siya na huwag mabahiran ang record niya para makalaya ng mas maaga at makapiling na ang kanyang pamilya.

Nang makalabas na, may ibang asawa na ang kanyang misis habang ang mga anak niya ay hindi na mahanap. Kaya pait pa rin sa puso ang bumungad sa paglaya ni Rolly.   

Tunghayan sina Carlos Aggassi, Lovely Abella, Kristoffer King at Lharby Policarpio para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.

Tags: plug, pr, wishkolang