ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs

Binatang muling nakasama ang pamilya, mapapanood sa 'Wish Ko Lang'


 


Nagkaisip at lumaki si Totoy sa piling ng kanyang stepfather na si Tatay Fred. Ayon sa kuwento sa paligid,maliit pa raw siya noon nang mag-away ang ina at ama-amahan niya. Umuwi raw ang nanay niya sa Maynila at napilitang iwan siya dahil gusto na talagang makipaghiwalay nito. Umasa naman si Tatay Fred na hindi matitiis at babalikan pa ang bata, pero lumipas ang labingpitong taon, hindi na muling nagpakita ang ina ni Totoy.

?          Marami tuloy tanong at malaki ang tampo ng binata, bakit kailangang siya ang magbayad sa gusot ng kanyang mga magulang? Tuluyan na ba siyang tinalikuran ng kanyang ina? At kung sakaling makipag-ugnayan ang nanay niya, dahilan na ba ito para iwanan si Tatay Fred na nagpalaki sa kanya ngunit hindi naman niya kadugo?  

Tunghayan sina Kiko Estrada, Dentrix Ponce, Glenda Garcia, Archie Adamos, Kyle Ocampo, Marc Justine Alvarez at Jason Francisco para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa espesyal na pagtatanghal ng Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.

Tags: plug, pr