Dalagang biktima ng cyber prostitution, bibisitahin ng 'Wish Ko Lang'
Wish Ko Lang!
Jan 13, 2018
“Cyber Prosti”

Nasa high school noon si Mylene at dahil sa kahirapan, may banta na pahihintuan siya sa pag-aaral ng kanyang mga magulang at pinupursige siya na magtrabaho na lang. Isang araw, nagulat na lang siya pagka-uwi mula sa eskuwela, nadatnan niyang naka-empake na ang mga gamit niya. Nakipagkasundo na pala ang nanay niya sa isang recruiter para siya ay mamasukan bilang kasambahay.
Walang magawa si Mylene, kahit labag sa loob niya ay sinunod niya ang naging pasya ng ina. Pero nagtaka siya ng makarating na sa bahay na pagsisilbihan niya, sa halip kasi na maglinis o magluto, nagtaka siya na tinuruan siyang gumamit ng computer. Hanggang sa nabunyag na ang totoong gagawin niya roon, siya pala ay makikipag-usap sa mga banyaga gamit ang internet at kailangan ay sumunod siya kung anuman ang ipapagawa sa kanya at madalas rito ay pinaghuhabad siya!
Tunghayan sina Valeen Montenegro, Arny Ross at Dexter Doria para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.