Mag-inang dalawang dekadang nagkalayo, tampok sa ‘Wish Ko Lang’
Wish Ko Lang!
Jan 20, 2018
“Nawalay sa Nanay”

Musmos pa raw noon si Malyn at mga kapatid niya nang umalis ang kanyang ina. ‘Di nagtagal ay nag-asawa muli ang kanilang ama, pero ang naging madrasta nila, malupit at lagi silang sinasaktan. Walang araw na nagdaan na hindi sila pinag-initan at kapag magsusumbong sila sa kanilang ama, hindi sila pinapanigan nito. Kaya sumasagi sa isipan ni Malyn na kung hindi raw nagkahiwalay sana ang kanyang mga magulang, hindi nila sasapitin ang ganitong kapalaran.
Hanggang sa nadiskubre ni Malyn ang tunay na dahilan sa pag-alis ng kanilang ina, nagkaproblema pala ito sa pag-iisip at humahantong na sa aksidenteng sinasaktan na silang magkakapatid. Magkahalong awa at pananabik ang nadama ni Malyn, kaya raw niyang tiisin ang lahat ng pang-aalipusta at pang-aabuso pero sana raw ay huwag ipagkait sa kanya ang muling makapiling ang ina na nawalay ng higit dalawang dekada.
Tunghayan sina Mikee Quintos, Mickey Ferriols, Dave Bornea, Janna Dominguez, Leanne Bautista at Irene Celebre para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.