Babaeng ginawang kasambahay ng sariling biyenan, mapapanood sa 'Wish Ko Lang'

Pera raw ang madalas pag-awayan ni Arlene at ng kanyang mister noon at kalaunan, nauwi rin sa hiwalayan ang pagsasama nila. Naiwan sa poder ni Arlene ang mga anak nila at isa rito ay may kapansanan pa. Nang wala ng mahanap na trabaho, napilitan siyang mamasukan bilang kasamabahay sa taong mainit ang dugo sa kanya, ito ay ang kanyang biyenan.
Tiniis ni Arlene ang araw-araw na mapapait na salita at pang-aalipusta, alang-alang sa mga anak niya. Noon pa man ay hindi na raw boto sa kanya ang dating biyenan kaya nauunawaan niya ang trato nito sa kanya. Naging mahigpit at malupit daw ang biyenan ni Arlene sa kanya, pero nananatili siyang nagpakumbaba at hindi nagreklamo. Umaasa siya na balang araw ay matatanggap din siya at gagaan ang loob nito sa kanya.
Tunghayan ang pagganap ni Kris Bernal bilang Arlene. At kasama rin sina Bryan Benedict, Marc Justin Alvarez, Barbara Miguel at Odette Khan para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.