Kuwento ng babaeng initak ng asawa, tampok sa ‘Wish Ko Lang’
Wish Ko Lang!
March 17, 2018
"TAGA"

Ang dahilan sa pagpunta sa abroad ni Lenie ay para mapaghanadaan ang kinabukasan ng mga anak niya at makaipon para sa renovation ng tahanan nila. Ang usapan nila ng kanyang asawang si Landy, magpapadala si Lenie ng pera habang ang mister ang mamamahala sa gastusin ng pamilya at sa mga gagawin sa bahay nila.
Pero nang umuwi na ang ilaw ng tahanan, ikinagulat niya na parang walang nangyari sa pinagpaguran niya. Maraming pa ring sira at mga nakatengga na gagawin sa bahay nila. Isinumbat niya ito kay Landy na siya namang ikinapikon nito. Hanggang sa nagdilim ang paningin niya sa misis niya at kumuha ng gulok at walang habas na pinagtatataga si Lenie.
Tunghayan sina Valerie Concepcion, Paolo Paraiso, Ge Villamil at David Remo para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.