Kuwento ng dalagang biktima ng cyber prostitution, ilalahad sa 'Wish Ko Lang'
Wish Ko Lang!
June 2, 2018
"Binenta sa Arabo"

Mula nang magahasa at mabuntis si Marj, pakiramdam niya’y wala ng patutunguhan ang buhay niya. Kaya nang may biglang nag-alok sa kanya ng hanapbuhay at libre paaral pa sa Cebu, walang agam-agam na singguaban niya ito.
Pero ang pangakong kasambahay na trabaho ay hindi pala totoo dahil napunta si Marj sa isang sindikato na arabo ang namamahala. Ginawa siyang sex slave at sapilitan din siyang pinapasayaw habang kinukuhanan ng video kung saan pinapakalat sa internet.
Hindi naman daw hinangad ito ni Marj pero ipinagtataka niya kung bakit lagi siyang napapahamak? Paano kaya matutuludukan ang tila pang-aabuso sa kanya ng kapalaran?
Tunghayan sina Mika Dela Cruz, Rita Daniela, Mike Vergel at Vangie Labalan para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.