Pagkakaibigang hanggang kamatayan, tampok sa 'Wish Ko Lang'
Wish Ko Lang!
June 30, 2018
“Beshie’s Wish”

Masuwerte raw si Jenny dahil nakatagpo siya ng tunay na kaibigan sa katauhan ni Alex. Una raw silang nagkakilala nang mamasukan siya bilang serbidora sa karinderya ni Alex, hanggang sa nagkapalagayan sila ng loob at naging magkaibigan na. Dito na rin nalaman ni Alex ang malungkot na buhay ni Jenny, hiwalay sa unang asawa at ang sunod na naging mister, lagi naman siyang binubugbog at nambababae pa. Anim ang anak ni Jenny at siya lang ang tanging inaasahan nila.
Nahabag si Alex sa kanyang best friend kaya binuksan niya ang tahanan niya kay Jenny at sa mga bata, mas magiging maayos at payapa raw ang buhay ng mag-iina kung sa kanya titira. Ayaw namang abusuhin ni Jenny ang kabaitan ng kanyang BFF, kaya naisip niya na maghanapbuhay sa abroad at agad na inasikaso ang mga papeles niya sa Maynila.
Pero nagtaka si Alex dahil mula nang umalis ang kaibigan, hindi na raw sila tinawagan. Hanggang sa nabalitaan nila na namatay pala si Jenny!
Tunghayan sina Epi Quizon, Lovely Abella, Bryce Eusebio at JC Tiuseco para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.