Dalagang naghirap sa kamay ng tatlong ama, tampok sa 'Wish Ko Lang'
Wish Ko Lang!
July 21, 2018
"Tatlong Ama, Iisang Kapalaran"

May mapait daw na karanasan si Dang at lahat ng ito ay naganap sa tahanan nila. Noong bata raw siya, ang mismong ama ang umabuso sa kanyang kamusmusan dahil ang magulang pa ang nagmolestitya at gumahasa sa kanya!
Napakulong naman ang kanyang tatay pero hindi pa rin matatapos ang kalbaryo ni Dang. Sa muling pag-aasawa kasi ng kanyang ina, ang naging ama-amahan naman ang gumalaw sa kanya. Hindi makapagsumbong ang dalaga dahil sa tangkang sasaktan ang ina niya. Pero ang nanay rin ni Dang ang nakasaksi sa kahayupang ginagawa sa kanya. Agad na tumakas at nagtago ang itinuring niyang ikalawang ama.
Sa ikatlong pagkakataon, may ka textmate ang kanyang ina na kalauna’y naging karelasyon nito. Sa pagtira ng bagong stepfather ni Dang sa kanila, magiging masalimuot na naman pala ito para sa kanya dahil kapag umaalis ang ina, magagahasa muli si Dang.
Tunghayan sina Sanya Lopez, Mon Confiado, Jao Mapa, Rob Sy, Milcah Nacion at Ana Roces para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.