Inang pilit hinanap ang ipinaampong anak, tampok sa 'Wish Ko Lang'
Wish Ko Lang!
Sept 1, 2018
"Precious"

Nang iwan si Delia ng kanyang asawa, lalo niyang nadama ang hirap dahil mag-isa na niyang bubuhayin ang kanyang mga anak. Hanggang sa may nag-alok sa kanya para ampunin ang isa sa mga anak niya. Pumayag naman siya na ang anak niyang babae na si Precious ipakupkop dahil mabibigyan daw ng magandang kinabukasan ang bata.
Pero ang mag-asawang umampon kay Precious, sa halip na alagaan ay napabayaan lang siya. Nagkasakit daw ang bata at hindi nalunasan agad kaya lumala at naapekutuhan daw ang pag-iisip at paglaki nito. Ang malala pa rito, lalo pang kinawawa si Precious dahil madalas siyang saktan at bugbugin ng mga itinuring niyang bagong magulang.
Tunghayan ang pagganap nina Caprice Cayetano, Barbara Miguel, Arny Ross, Rob Sy at Irene Celebre para isabuhay ang mga nakaka-antig na tagpong ito sa Wish Ko Lang!, kasama si Vicky Morales, Sabado ng hapon, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.