ADVERTISEMENT
Filtered By: Publicaffairs
Public Affairs
Erap, Katrina and John Lapuz reach out
Episode on January 12, 2008 Saturday, 4:30 p.m. Bigatin ang maghahatid ng sorpresa sa Wish Ko Lang! ngayong Sabado. Ang dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada, makakapiling muli ang naghihirap ng artistang si Palito. Natuklasan ng programa ni Vicky Morales na isinisingit na lang ngayon ni Palito ang sarili sa mga palabas sa peryahan para lang kumita. Matagal na palang lubog ang komedyante sa kahirapan at nilayuan na rin daw ng mga dati niyang kaibigan. Ang hindi alam ni Palito, may mga handa pa ring tumulong sa kanya. Hindi nagdalawang-loob si Erap na kamustahin si Palito na nakasama rin niya sa ilang proyekto. Samantala, kung walang pusong kontrabida ang papel ni Katrina Halili sa Marimar, taliwas daw ito sa totoong buhay. Pusong mamon at mapagbigay daw na kaibigan itong si Katrina. Kaya naman nagpatulong siya sa Wish Ko Lang! para sa fan at kaibigan niyang si Jelai Capistrano. Hindi raw kasi kaya ng popular na aktres na tuparin ang pangarap nitong maging TV reporter. Tampok din sa Wish Ko Lang! ang pagbubuhay âkolokoy" ni John Lapuz para sa isang natatanging ama. Kolokoy ang tawag sa panghuhuli ng alimasag sa Liaan, Batangas. Hindi dapat palampasin ang pagsasama nina Erap, Palito. Katrina Halili at John Lapuz sa Wish Ko Lang! ngayong Sabado, 4.30 ng hapon sa GMA 7.
More Videos
Most Popular