Meet the newest Pinoy superhero soon to hit the big screen
Kilala nâyo na ba ang pinakabagong Pinoy superhero na malapit nag lumipad sa big screen? Siya si "Wapakman," na gagampanan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao. Sa pictorial ng casts ng Wapakman, sinabi ni entertainment reporter Audrey Carampel na isinuot na ni Manny ang kanyang costume bilang pinakabagong Pinoy superhero na aabangan ng mga manonood. Pero ano ba ang taglay na powers ni Wapakman? âLahatâ¦pinaghalong Spiderman, Superman ganunâ¦lumipad," kuwento ni Manny sa Chika Minute portion ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Gagampanan ni Manny sa movie ang karakter ng isang ama na maraming anak. Kasama sa Wapakman sina Polo Ravales, Krista Ranillo, Bianca King at ang sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto, na gaganap na misis ni Wapakman. Sa ganda at sexy ni Rufa Mae, hindi maiwasan na magkaroon ng tsismis sa kanila ni Manny. Kahit ang bagong bahay ni Rufa Mae sa US ay sinasabing bigay daw ni Manny. âLuma na âyon, luma na yung mga tsismis na yun," natatawang sagot ni Manny. Pinabulaanan din ng aktres ang naturang intriga. Katunayan, next year ay plano na raw niyang pakasalan ang kanyang boyfriend na hindi taga-showbiz. âPinlano naming dalawa kasi parang gusto ko kami munang dalawaâ¦Ang importante masaya ako ngayon, at may bahay kami o wala, ang importante Iâm settling down," ayon sa aktresâ Fidel Jimenez, GMANews.TV