Is Marian Rivera jealous of Rhian Ramos?
Nagsalita na si Marian Rivera tungkol sa isyu na nagseselos umano ang dalaga kay Rhian Ramos na leading lady ng napabalitang boyfriend nito na si Dingdong Dantes sa soap na Stairway to Heaven. Marami ang nakapupuna sa magandang chemistry nina Dingdong at Rhian sa Stairway to Heaven. Pero sagot ni Marian, walang dahilan para pagselosan niya si Rhian na gumanap sa papel na si Jodi. Idinagdag niya na mismong si Dingdong ay hindi raw siya binibigyan ng dahilan para magselos kay Rhian. Katunayan, full support ang bida ng telefantasya ng GMA 7 na Darna sa mga project ng binata. Sinamahan pa niya si Dingdong nang maging guest speaker ito sa Laguna State Polytechnic University. Sa kanyang talumpati, hinamon ng aktor ang mga estudyante na makiisa sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad. âKaya ako nandito kasi sobrang proud ako sa kanya (Dingdong). Talagang ginagawa niya lahat para makatulong sa ibang tao," ayon kay Marian sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes. âNakakapagod man pero behind all of these there is greater things, greater reasonsâ¦but of course ang main reason, kailangan natin ng lakas para makatulong," pahayag ni Dingdong. - Fidel Jimenez, GMAnews.TV
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV