ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Krista Ranillo, Manny Pacquiao meet despite controversy


Hindi pinayagan ang media na makunan ang muling pagkikita nina Manny Pacquiao at Krista Ranillo sa shooting ng kanilang movie na entry film festival sa Disyembre na Wapakman. Sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas, sinabi nito na balik-trabaho kaagad si Krista mula nang dumating sa bansa nitong Linggo mula sa US. Ilang linggong naging laman ng mga balita ang aktres dahil umano’y relasyon nila ng “pambansang kamao" na si Manny. Ang naturang kontrobersiya ay itinanggi mismo ni Manny, at maging ng mga kamag-anak ni Krista. Nadawit rin sa kontrobersiya ang batikang actress-director na si Gina Alajar dahil sa inilagay niyang pahayag sa kanyang Facebook account. Ayon sa manager ni Krista na si Arnold Vegafria, propesyunal ang kanyang alaga kaya balik-trabaho na ito sa kabila ng mga kontrobersiya para tapusin ang kanyang mga commitment. Mariin din nitong itinanggi ang mga hinala na nagdadalang tao ang seksing aktres. Nakausap naman sa telepono ng GMA News ang aktor na si Polo Ravales na kasama sa shooting nina Manny at Krista sa Wapakman. Napuna raw nito na hindi masyadong nagbibiro ang Pinoy boxing hero hindi katulad ng dati.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Mukha naman siyang Ok pero parang mas tahimik siya ngayon," kuwento ni Polo sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes. Idinagdag niya na magkahiwalay ang tent nina Krista at Manny sa shooting. Hindi rin daw niya nakausap ng husto ang aktres at kapansin-pansin din umano ang dami ng tao na kasama ng dalaga. “Sandali lang din (kami nagkausap) kasi after ng eksena niya dumidiretso siya sa tent eh. I wasn’t really able to ask her if she’s Ok kasi marami siyang kasama at saka after ng eksena niya nag-hi lang siya then pumunta na sa tent," paliwanag ni Polo. Napag-alaman naman sa Solar Entertainment na magkakaroon ng pagsasalo-salo ang mga cast ng pelikula sa Miyerkules ngunit walang makapagsabi kung darating si Krista. Samantala, magkasamang dumating ang mag-asawang Manny at Jinkee sa blessing ng kanilang boutique sa Maynila. Nakita umanong nagbibiruan ang dalawa at nagpaunlak din ng sagot tungkol sa pagkikita muli nina Manny at Krista sa shooting. “Ok naman tinatapos din lang namin," sagot ni Manny patungkol sa kanyang pelikula. Habang ang tugon naman ni Jinkee, “There is sunshine after the rain." – Fidel Jimenez, GMANews.TV