ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

'I have no regrets in life' -- Krista Ranillo


Sa kondisyon na hindi siya tatanungin tungkol sa umano’y relasyon kay Manny Pacquiao, humarap at nagpaunlak ng panayam si Krista Ranillo sa entertainment press. Sa contract signing ng iniendorso niyang beauty clinic, sinabi ni entertainment reporter Lhar Santiago na hindi kinakitaan na dumaan sa matinding kontrobersiya ang aktres dahil sa maganda nitong itsura. Labis umano ang pasasalamat ni Krista dahil hindi nagbago ang pagtingin sa kanya ng mga inidorso niya sa kabila ng mga kinasangkutan niyang kontrobersiya. Sa mga nangyari sa kanyang buhay, sinabi ng dalaga na wala siyang pinagsisihan. Ang mga pinagdaanang kontrobersiya ay itinuturing lang daw ni Krista na bahagi ng buhay sa showbiz. “I’m happy I’m busy. I’m happy yun lang, no regrets in life," pahayag niya sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “I guess I just have to accept na yung mga isyu parte ‘yan ng buhay artista talaga. Kahit sino naman dumaan diyan. I guess, it’s just how you handle it," idinagdag niya. Sa kabila nito, aminado naman siya na may pagkakataon din na naapektuhan siya ng mga nangyayaring intriga. “Siyempre natural lang na iiyak ka kapag may pinagdadaanan ka. But you know everyday you have to tell you self, ‘it’s a new day,’ and then you pray," patuloy ni Krista. Ngayong Pasko, plano daw ng aktres na bumalik sa United States para makasama ang kanyang pamilya. Nang tanungin si Krista kung sa tingin niya ay tapos na ang kontrobersiyang pinagdaanan niya, sagot niya: “Sana, magdasal lang tayo na sana." Papaano naman kung kamustahin ang kanyang love life? “Meron ba?," natatawang balik na sagot ni Krista. “Sasabihin ko Merry Christmas." – Fidel Jimenez, GMANews.TV