Fantasy, horror, comedy films early favorites in the MMFF
Mga pelikulang may temang fantasy, horror at comedy ang naging paboritong panoorin ng publiko sa unang araw ng 2009 Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong Biyernes. Sa dami ng taong nagtungo sa mga sinehan ng SM North Edsa, Quezon City, sinabi sa ulat ni GMA News reporter Riza Reyes sa GMA news 24 Oras, na nagdagdag ng security personnel ang pamunuan ng mall. âWe added security guards, each cinemas has one of course anticipating the bulk of our patrons for this day. Of course hindi normal ang daming nag-flock at SM cinemas just to celebrate Christmas day and watch MMFF," pahayag ni Lizanor Dizon, theater manager sa SM North Cinemas. Batay sa paunang unofficial ticket returns sa SM North Edsa, ang pelikulang Ang Panday na pinagbibidahan ni Sen Ramon âBong" Revilla Jr., ang nanguna sa listahan ng mga pinakamaraming nanood.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sumunod sa Ang Panday ang comedy-horror film na Ang Darling Kong Aswang ni Vic Sotto, at Shake Rattle And Roll XI. Nagpahayag ng kumpiyansa ang ang isang miyembro ng MMFF executive committee na patuloy na dadagsa ang mga manonood para tangkilikin ang lahat ng pitong kalahok sa festival. âInaasahan namin ang mga Filipino would still look into watching all the seven movies, malalaking pelikula, pelikulang magpapasigla sa atin, makakatulong para makalimutan ang ating mga problema," ayon kay Ric Camaligan, miyembro ng MMFF Executive Committee. Samantala, mismong si Sen Revilla naman ang nag-ikot sa mga sinehan sa SM para personal na pasalamatan ang mga taong maagang tumangkilik sa kanyang pelikula. Inamin ng senador na nakaramdam siya ng kaba kung paaano tatangkilikin ng mga manonood ang kanyang bagong pelikula na itinuturing tribute sa original 'Panday' na si Fernando Poe Jr.. âNagpapasalamat tayo sa lahat ng nanood ng Panday. At sa mga hindi pa po nanonood, manood po kayo⦠Sana po ito na ang simula ng pagbangon ng pelikulang Pilipino," ayon kay Sen Revilla. Maging ang mga producer ng Ang Panday ay nagpahayag ng katuwaan sa magandang resulta sa takilya ng pelikula. âSana tuloy-tuloy ang top grosser natin, at saka ang mga tao sana lumabas at tangkilikin ang mga pelikulang Pilipino, hindi lang po sana kami (kundi) lahat ng nag-join ng Manila film festival," ayon kay Rowena Bautista-Mendiola, producer ng Imus Production Ganito rin ang naging pahayag ni Joey Abacan, producer ng GMA Films, na labis na nagpapasalamat sa nakukuhang suporta ng Ang Panday. Kasali rin sa festival ang Wapakman; I Love You Goodbye; Nobody Nobody But Juan; at Mano Po 6. - Fidel Jimenez, GMANews.TV