ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

FHM fetes 'sexiest women of the decade'


Nagsama-sama ang tinaguriang mga ‘Sexiest Women of the Decade’ ng FHM magazine sa 10th anniversary party na dinaluhan ng ilang Kapuso stars. Sa ulat ni entertainment reporter Audrey Carampel, sinabi nito na kabilang sa mga rumampa ang mga cover girl na sina Daiana Menezes at Janna Dominguez. Nandoon din ang mga modelo na naging cover ng babasahin. Pinarangalan ng FHM ang 25 Pinay na napiling pinaka-sexy ng dekada kabilang ang mga Kapuso stars na sina Katrina Halili, Jean Garcia at Eula Valdez, Francine Prieto at Iwa Moto na cover ng special collector issue ng magazine ngayong March.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Honored ako na nakuha ako kaya napapayag nila ako ng bonggang-bongga na magpa- sexy ng todo," pahayag ni Iwa sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. “Sobrang happy po ako. Nang mabasa ko yung magazine nakakatuwa di ba nakalagay doon ako dalawang beses na nag-number 1 (sexiest)," sambit naman ni Katrina. Nasa listahan din ng sexiest Pinay sina Bianca King, Diana Zubiri, Ehra Madrigal, Jackie Rice, Joyce Jimenez, Maureen Larrazabal, Rufa Mae Quinto, Katya Santos, Audrey Miles, Bangs Garcia, Valerie Concepcion, at 2009 FHM sexiest woman na si Christine Reyes. - FRJ, GMANews.TV