ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Camp of Anne Curtis cries foul over 'nip slip' photo


Masama ang loob ng kampo ni Anne Curtis sa pagkalat ng larawan ng aktres sa Internet at isang pahayagang tabloid kung saan nakitang nakalabas ang kanang bahagi ng dibdib nito. Lumabas ang kanang bahagi ng dibdib ni Anne nang matanggal ang suot nitong bra sa isang production number na tinawag nilang “wardrobe malfunction," ayon kay entertainment reporter Nelson Canlas. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, sinabing nakiusap ang Viva Artist Agency na nagma-manage sa aktres, na itigil na ang pagkakalat ng larawan ng kanilang alaga. “We are appalled by the behavior of some people who have irresponsibly posted over the internet and maliciously published a photo of our artist," nakasaad sa pahayag ng Viva.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Iginiit sa pahayag na walang sinuman ang may kagustuhan sa nangyari kasunod na rin ng mga espekulasyon na sinadya ang insidente para pag-usapan ang aktres. “What happened during the taping was an unfortunate accident, nothing was done intentionally. Anne was merely doing her best to deliver a solid performance as an artist," idinagdag sa pahayag. Nanawagan din ang Viva sa mga nagkakalat ng litrato ni Anne na magkaroon ng kaunting respeto sa kababaihan. “We appeal to these individuals, please have a little respect and decency to stop posting the photos and distributing the same." Sa twitter account ni Anne, naglagay ito ng maigsing mensahe para pasalamatan ang mga taong nagtanggol at napalakas ng kanyang loob. Kasabay nito, sinabi ng mga miyembro ng SexBomb dancer na kilala sa pagsusuot ng mga sexy costume at bigay-todo sa pagsasayaw na hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng mga insidente na kagaya ng nangyari kay Anne. At dahil hindi maiiwasan ang mga iaberya na may matanggal o mapunit sa costume habang nagsasayaw, nagbigay sila ng payo na dagdagan na lamang ang safety gadgets sa isinusuot na costume. Lagi rin umanong maging alerto at mabilis sakaling may bahagi ng katawan nila ang malalantad na hindi dapat makita ng publiko upang kaagad nila itong matakpan. – FRJ, GMANews.TV

Tags: annecurtis