Wardrobe malfunction mars bikini contest
Nagpatalbugan sa kaseksihan ang mga kandidata ng 2010 Miss Bikini Philippines kung saan isa sa mga kalahok ang nakaagaw ng eksena nang magkaproblema ang suot niyang bikini habang nagpe-perform sa talent portion. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Huwebes, sinabi ni entertainment reporter Nelson Canlas, na ang naturang bikini pageant ay paligsahan ng mga modern Filipina. Sa isinagawang media presentation nitong Miyerkules ng gabi, ipinamalas ng 24 na kandidata na kayang lumutang ang kanilang kaseksihan kahit suot pa nila ang mga magagarang evening gown.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV At dahil ang pageant ay pinamamahalaan ng isang fitness company, ipinakita ng mga kalahok na bukod sa kagandahan ay mahalaga sa mga modernong Pinay ang may malusog pangangatawan at isipan. Sa talent portion, isang kandidata ang nakaagaw ng atensiyon nang magkaroon ng âwardrobe malfunction" ang kanyang suot habang nagsasagawa ng mala-fire dance. Pero kahit ânasilipan," hindi umano ikinakahiya ng kandidata ang nangyaring aksidente dahil nagawa naman niya ng mahusay ang kanyang talento. Gaganapin sa May 1 ang mismong pageant night at ang magwawagi sa kompetisyon ang ipadadala sa China para kumatawan sa Pilipinas sa Miss Bikini International. - GMANews.TV