ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Charice feels good after baptism, confirmation into Catholic Church


Masaya at masarap daw ang feeling ng international recording artist na si Charice Pempengco matapos siyang binyagan at kumpilan sa Simbahang Katoliko sa Pasig. Ginawa ang binyag at kumpil ni Charice kasabay ang kanyang kapatid na si Carl Steven sa Immaculate Conception Cathedral dakong 9 a.m. nitong Sabado. Pawang sikat na celebrities ang tumayong ninong at ninang ni Charice na kinabilangan nina Kris Aquino-Yap, Boy Abunda, at columnist/host na si Ricky Lo. Hindi naman dumating ang ninang na si ‘Queen of Talk Show’ Oprah Winfrey at ninong na si David Foster, singer at record producer sa Canada. Tatlong pari ang namahala sa baptism at confirmation rites ng magkapatid na pinangunahan ni Pasig Bishop Francisco San Diego, ayon sa ulat ni entertainment reporter Audrey Carampel. “Masaya po ako, masarap ang feeling. Wala naman po sa religion ‘yon basta naniniwala ka lang kay God ‘yon ang impormante," pahayag ni Charice sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Sabado.
“Tuwang-tuwa ako kasi magkakasama na kami sa pananampalataya," ayon naman kay Gng. Racquel Pempengco, ina ni Charice. Bagaman hindi nakadalo sa kanyang binyag ang kanyang Ninang Oprah at Ninong David, masayang ikinuwento ni Charice ang pagpayag ng mga ito na tumayong pangalawang magulang niya. “Sobrang big deal pala sa kanila ‘yon ‘pag ininvite na godfather kasi si Sir David umiyak. Sinabi po nila na parang it is an honor na parang kunin sila bilang godmother and godfather," ayon kay Charice. Sa halip na magkaroon ng engrandeng handaan para sa binyag, kumpil at birthday ni Charice, pinili niyang mag-gift giving at magsagawa ng soup kitchen para sa may 500 kabataan. Bukod sa pagkain at ipinamigay na school supplies, kinanta rin ni Charice sa mga bisita niyang kabataan ang kanyang bagong single. - Fidel Jimenez, GMANews.TV