ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Richard Gutierrez on Anne Curtis: ‘Mas nakilala ko siya’


Balik-trabaho na si Richard Gutierrez mula sa ilang linggong pananatili sa Amerika. Ayon sa aktor, lalo raw niyang nakilala ang dating girlfriend na si Anne Curtis na kasama niyang nag-shooting sa US para sa movie nilang In Your Eyes. Ayon kay entertainment reporter Lhar Santiago, napahaba ang pananatili ni Richard sa US kaya naman napasabak agad ito sa trabaho nang bumalik sa Pilipinas. Bukod sa tatapusing pelikula nila ni Anne, at Claudine Barretto, naghahanda na rin si Richard para sa celebrity edition ng Survivor Philippines kung saan siya ang host, at ang environment special para sa GMA News and Public Affairs. Tuwang-tuwa si Richard na ikinuwento ang mga eksena na nakunan nila sa iba’t-ibang lugar sa Los Angeles para sa movie nilang In Your Eyes. Wala raw naging problema sa shooting pero naging mahirap daw ito dahil limitado lang ang bilang ng mga nagtatrabaho sa production.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Idinagdag ni Richard na walang na silang ilangan ni Anne pagdating sa mga intimate scenes kung saan ilan sa mga ito ay kinunan sa US. “I feel na mas nakilala ko pa si Anne ngayon in a deeper way…and yung parang nakita ko yung growth niya as an actress, as a person…yung maturity niya," paliwanag ng binata sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes. Bukod sa trabaho, nagkaroon din daw ng time ang kanyang pamilya na makapag-bonding ng husto sa US. “Enjoy naman kami, mga hindi namin masyadong nagagawa sa Manila ginawa namin dun…like shopping kami sa mall, kain kami sa mga restaurant," ayon pa kay Richard. - FRJimenez, GMANews.TV