Iwa Moto reveals secret behind sexy body
Marami ang humanga sa mas lalong pag-sexy ni Iwa Moto sa ginanap na underwear fashion show kamakailan. At ang sikreto raw niya sa magandang katawan bukod sa diet, isang uri ng martial arts. Sa ulat ni entertainment reporter Nelson Canlas, ipinakita sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes ang pagsasanay ni Iwa sa isang gym sa Ortigas para sa martial arts na Brazilian âJujitsu.â Kahit may nararamdaman sakit sa likod, game na nakipagbuno si Iwa sa kanyang trainer na si Eros Baluyot, 17-years-old na Jujitsu world champ. Bilib daw si Eros sa ipinapakitang focus at determinasyon ng aktres sa naturang uri ng palakasan.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Pero bakit nga ba ito ang napiling isport ni Iwa? âPara maiba naman kasi ang dami naâ¦like everybody is doing boxing, kickboxing. At least ito something new at mas interesting siya kasi marami kang matututunan," paliwanag ni Iwa. Inirekomenda niya ang naturang isport dahil bukod sa magandang ehersisyo ay matututo rin dito ng self-defense. Ito rin daw ang sikreto niya kung bakit mas maganda ngayon ang kanyang katawan na nakita ng mga nanood sa nakaraang underwear fashion show. â FRJimenez, GMANews.TV