ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris is hurting inside, says presidential sister Pinky


Patuloy daw na ipinagdarasal ng mga kapatid si Kris Aquino-Yap upang malampasan nito ang pinagdadaanang pagsubok sa pamilya nila ni James Yap. Nasa Amerika pa rin si Kris kasama ang mga anak na sina Joshua at Baby James upang magbakasyon. Sa pagbabalik nito sa bansa sa Biyernes, inaasahang dedesisyunan nito kung itutuloy ang planong pagpapawang-bisa sa kasal nila ng mister. (Basahin: Report: Kris Aquino's grounds for separation with James Yap will 'shock' public) Sa panayam ni entertainment reporter Lhar Santiago sa kapatid ni Kris na si Pinky Aquino-Abellada, ikinuwento nito na masaya umano ang TV host-actress sa bakasyon nito sa US. “She’s very okey naman, sabi niya masayang-masaya yung two boys niya nanggaling sila sa Boston. Ipinakita niya eskwelahan niya, saan kami tumira. Sabi niya ang saya ng trip niya sa Boston kasi masyadong marami happy memories," pahayag ni Pinky sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Sa Boston tumira ang pamilya Aquino noong panahon ng pamumuno ng mahigpit nilang kalaban sa pulitika na si dating pangulong Ferdinand Marcos. Kahit nasa Boston si Kris, sinabi ni Pinky na nagpa-text kaagad ito tungkol sa naging feedback ng publiko sa State of the Nation Address ng kanilang kuya na si Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III. Sinabi ni Pinky na natutuwa ang kanilang pamilya sa nakukuhang pagtitiwala ni Noynoy sa publiko. “We’re so happy sana patuloy nilang pagtiwalaan si Noynoy kasi alam ko naman na pure lang ang intention niya," ayon kay Pinky. Tungkol kay Kris, sinabi ni Pinky na alam din nila kung papaano sinisikap ng kanilang kapatid na kayanin ang pinagdadaanan nitong pagsubok sa relasyon nilang mag-asawa. “Anybody who goes thru that is a very difficult time. So, she tries to make the most na lang at least ma-shield yung boys niya. Pero siyempre inside medyo hindi…yes, she’s hurting," paliwanag ni Pinky.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV I'm not pregnant -- Kris Samantala, sa ulat ng Philippine Entertianment Portal (PEP) nitong Miyerkules, pinabulaanan ni Kris ang mga espekulasyon na nadadalang-tao siya. Ayon sa artikulong isinulat ni Mark Angelo Ching, sinabing nagpadala ng dalawang text messages si Kris sa Editor in Chief na si Jo-Ann Maglipon para linawin ang naturang usapin. Nakasaad umano sa unang text message ni Kris na: "Hi Jo-Ann. I am texting you during my last night in LA. I find the news about my pregnancy hilariously vicious. I had to ask both Deo and Boy—sino raw ang tatay? Deo replied to you about my check-up with Dr. Pastorfide for my cervical cancer screening because of my cervical cancer vaccine endorsement. I have a period tracker app on my iPhone. Just had my period in Orlando, July 18 in the US, and had it until we were in Boston." Sa ikalawang text message: "I know so many men are being linked to me and I will answer all issues being thrown my way on Friday upon arrival at 4 a.m. Thanks for texting Deo because it gave us an opportunity to clear that issue immediately. Good night." Nakasaad din sa ulat na nauna nang pinabulaanan ng manager ni Kris na si Deo Endrinal ang umano'y pagiging buntis ng TV host-actress. Sa hiwalay na text message ni Deo kay Jo-Ann, nakasaad umano na: "It's not true. Will never happen because she had a very difficult pregnancy with Baby James, remember? Maybe someone saw her visit her obgyne a week before she left, because she had to get clearance for her new cervical cancer ad. Grabe naman magbalita ang mga tao..." Nagbigay din ng reaksiyon ang kabigan ni Kris na si Boy Abunda: "There's an ad airing commercially now," panimula ni Boy. "It's an anti-cervical cancer advocacy. It's a Glaxo product. When Kris and I agreed to do their commercial, the contract stipulated, among other things, that Kris must submit to an HPV-DNA screening to check for the virus that causes cervical cancer." Nagtungo umano si Kris noong June 25 sa kanyang OB-Gyne na si Dr. Greg Pastorfide bilang pagtalima sa kontrata na sumailalim siya sa HPV-DNA screening. At nang lumabas ang resulta, negatibo siya sa virus. "After the test, she took her first dose of the anti-cervical cancer vaccine. Oh, and during the test, she had her monthly period. On July 1, she shot the commercial. On July 8, she left for the United States. On July 18, she had her monthly period again. That was in Orlando. Even when she got to Boston, she still had her period. So how can she be pregnant?," dagdag pa ni Boy sa ulat ng PEP. Hindi rin umano maaaring mabuntis muli si Kris batay na rin naging maselang kalagayan nito noong ipinagbubuntis si Baby James kung saan nalagay sa alanganin ang kanyang buhay nang nagkaroon ito ng pulmonary embolism. - Fidel R Jimenez, GMANews.TV