ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Teen star Barbie Forteza sent home from hospital


Nasa bahay at nagpapahinga na ang teen star na si Barbie Forteza. Isinugod sa ospital ang bida ng fantaseryeng Pilyang Kerubin nitong umaga ng Huwebes dahil sa mataas na lagnat. Sa Chika Minute ng GMA primetime news 24 Oras nitong Huwebes, sinabing nag-text ang ina ni Barbie para ipaalam na nakauwi na sa kanilang bahay ang teen star. Sa pagsusuri ng ospital, nagnegatibo umano sa nakamamatay na sakit na dengue si Barbie bagaman namamaga ang kanyang tonsil. Sa kanyang post sa Twitter account na dealwithBARBIE nitong Miyerkules ng gabi, sinabi ni Barbie na: "I'm sick.. Having fever." Kamakailan ay inihayag ng Philippine Red Cross (PRC) na pinaigting nila ang kampanya kontra sa nabanggit na sakit matapos maitala na tumaas ng 40 porsiyento ang mga nabiktima ng dengue sa unang bahagi ng 2010.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Batay sa listahan ng Department of Health, sinabi ng PRC na umabot na sa 25,283 ang naitalang kaso ng dengue, kumpara sa 18,055 na kaso na naitala sa katulad na panahon noong 2009. "The rise in the number of dengue cases for the first half of 2010 is very alarming. Thus, PRC should double its efforts to prevent dengue," ayon sa dating senador at PRC chairman na si Richard Gordon. Sinabi ng PRC na pinakamaraming kaso ng dengue ang naitala sa Region VIII (2,940), Region IV-A (2,751), Region XII (2,708) at Metro Manila (2,618). - GMANews.TV