ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Celeb castaways in Survivor Philippines revealed
Ipinakilala na ang 18 celebrities na magtatagisan ng lakas at diskarte sa mga challenge na gagawin sa third season ng Survivor Philippines: Celebrity Showdown na ang host ay si Richard Gutierrez. Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras, isa-isang ipinakilala ang siyam na lalaki at siyam na babaeng celebrities na maninirahan sa isang isla ng 40 araw para pag-agawan ang kauna-unahang titulo bilang Sole Celebrity Survivor.

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV (VIDEO 2) meet-the-celebrities-of-survivor-philippines-part-2 (VIDEO 3) meet-the-celebrities-of-survivor-philippines-part-3 Kasama rin sa grupo ng male celebrities sina StarStruck V Avenger Ian âPilyong Amboy" Batherson; bagong Kapuso actor Ahron âAng Bolero" Villena; Born To Be Wild host Doc Ferds âThe Boss" Recio; model Jon âSiga ng Isla" Hall; at Brazilian-Japanese model-actor Akihiro âMr Nice Guy" Sato. Ilan sa mga pangyayari sa isla na ibinahagi na ni Richard ay ang pagsugod ng isang castaway sa kalabang ka-tribu na may hawak na itak. Naging mahirap din umano ang buhay nila sa gubat dahil sa kagat ng mga insekto. Dapat ding abangan kung papaano makikitungo sa isaât isa sina Audrey at Michelle. Si Audrey ay dating nobya ni John Hall, at ngayon ay nobyo naman ni Michelle. Sanay sa magaang na buhay sa siyudad ang mga celebrity castaway kaya abangan kung papaano nila kakayanin ang hirap ng buhay sa kagubatan. - Fidel R. Jimenez, GMANews.TV
More Videos
Most Popular