Marian Rivera jealous over newcomer Bela Padilla?
Kasabay ng tumitinding mga eksena sa Kapuso soap na Endless Love, dumadami na rin ang nakakapansin sa baguhang si Bela Padilla na ka-love triangle nina Dingdong Dantes at Marian Rivera. May dahilan kaya para magselos si Marian kay Bela? Sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Martes, sinabi ni entertainment reporter Audrey Carampel na may mga isyu na naglalabasan na kinausap umano ni Marian si Bela. Sa panayam kay Bela, naging tahimik ito nang tanungin tungkol sa nasabing pag-uusap nila ng co-star na si Marian. Gayunman, tiniyak ng baguhang aktres na walang dapat ipagselos sa kanya si Marian pagdating kay Dingdong. Paliwanag kasi ni Bela, hindi sila nag-uusap ng aktor kapag hindi sila nakaharap sa camera.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âEven if you ask Dingdong, we donât talk⦠kapag nag-cut na sobrang hiwalay hiwalay na kami," kuwento ng baguhang aktres. Maging sila man daw ni Marian na kanyang idolo ay hindi rin daw masyadong nagkakausap sa set ng Endless Love. Posibleng ang dahilan daw nito ay ang kanilang age gap. âWe donât talk that much kasi ang laki ng age difference namin ni Marian, Iâm 19, sheâs 26. Our likes are so different, our personalities are so different," paliwanag pa niya. Bukod kay Marian, idolo rin daw ni Bela ang 4th runner-up Miss Universe na si Maria Venus Raj. Dahil daw sa panalo ni Venues, nagbigay ito ng panibagong pag-asa sa kakayahan ng mga Pinay na manalo sa mga international beauty pageant. Kaya naman plano ng baguhang aktres na sumali sa Binibining Pilipinas next year para tuparin ang kanyang pangarap na maging isang beauty queen. - FRJimenez, GMANews.TV