Nora Aunor loses golden voice due to operation
Kahit hindi nakakanta, dinumog pa rin umano ang concert ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor sa Australia, ayon sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules. Kuwento ni German âKuya Germs" Moreno kay entertainment reporter Audrey Carampel, naunawaan daw ng mga Pinoy sa Australia ang sitwasyon ni Ate Guy kaya naging matagumpay pa rin ang tatlong concert nito na ginawa sa nabanggit na bansa kamakailan. âAfter na maipaliwanag ko lahat sa audience, nang ipakikilala ko na ano man ang nagyari siya pa rin nag-iisang Superstar... tilian, tayuan ang mga taoâ¦nangingilabot ako, naiyak ako talaga," ayon kay Kuya Germs. Bukod kay Kuya Germs, dumalo rin sa concert sa Australia sina John Nite at dating leading man ni Ate Guy na si Juan Rodrigo.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sa exclusive interview ni John, sinabi ni Ate Guy na nasira ang kanyang boses nang sumailalim siya sa isang cosmetic procedure sa Japan para sa iindorso sana niyang beauty clinic. Kuwento ni Ate Guy, hindi umano nasunod ang kasunduan nila sa clinic na âminor procedure" lang ang dapat na gagawin sa kanya, at nadamay na pati ang kanyang vocal cord. ââYan lang ang hindi ko rin maintindihan dahil nang magising ako sigaw ako nang sigaw dahil wala akong nakitang ibang tao, so nang magising ako wala akong marinig na boses ko, binutasan nila leeg koâ¦Nang magising na lang (ako) me tubo na rito,â sabay turo ni Ate Guy sa kanyang leeg. Dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga Pinoy sa Australia, labis ang pasasalamat ni Ate Guy. Kasabay nito, pinaplano umano niyang magdemanda para papanagutin ang klinika na naging dahilan sa pagkawala ng kanyang boses na naging puhunan niya sa showbiz. - FRJimenez,GMANews.TV