ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Raymart breaks his silence, defends wife Claudine

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nagkausap at napagkasunduan na rin umano nilang magkakaibigan kasama ang aktor na si Derek Ramsay na aayusin nila nang mahinahon ang hindi nila pagkakaunawaan na tinawag ni Raymart na, âsimpleng away ng mga magkaibigan na parang magkakapatid kung magturingan." Nakiusap din ang aktor na itigil na ang pagkakalat ng mapanirang intriga sa kanyang asawa dahil marami na ang nadadamay at alang-alang sa kanilang dalawang anak. âIkinalulungkot ko ang mga paninirang tsismis tungkol sa kanyaâ¦sana po ay tigilan na ang mga kathang-isip na mga ito alang-alang sa aming dalawang anak," ayon kay Raymart. âMahal na mahal ko si Claudine. Sana po ay patuloy din po ang pagsuporta at patangkilik ninyo sa kanya," pakiusap pa ng aktor. - Fidel R Jimenez, GMANews.TV
Tags: claudinebarretto, raymartsantiago
More Videos
Most Popular