ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Mariel gets advice from Robin ex-wife Liezl

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Magka-baby na kayo Patuloy ni Liezl, masaya siya para kina Mariel at sa dating mister. Hangad umano niya na habambuhay na magkasama ang dalawa at maging huling babae na si Mariel para kay Robin. âCongratulation! Sana magka-baby na kayo para sa akin na talaga si Ali (bunso nila ni Robin). Yun lang, masaya ako para sa kanila," pagbati ni Liezl na umaasang makakapiling na ang anak niya sa susunod na linggo. Sa Lunes ay nakatakdang lumipad patungong Australia si Ali kasama ang manager at abogado ni Robin. Inaasahang pag-uusapan nila ng abogado ang divorce settlement nila ng dati niyang mister. âHappy ako kasi sinasabi niya (Ali) na uuwi na siya dito. Excited na daw siyang magkita ako. Ienroll ko muna siya, tapos ipapasyal ko muna kasi two weeks walang ginagawa pa," plano ni Liezl sa anak. Masama pa rin ang loob Sa kabila nito, inamin ni Liezl na masama pa rin ang loob niya sa kampo ni Robin dahil pinalabas umano siyang mukhang pera nang panahon na iginiit niyang makuha si Ali. Bagaman bukas daw si Liezl na makausap si Mariel, hindi raw siya ang dapat gumawa ng unang hakbang. âMay nag-text sa akin ilang beses, ibinigay pa nga niya yung number ni Mariel parang gusto niyang tawagan ko si Mariel, palagay ko si Robin yun," ayon kay Liezl nang tanungin kung sino ang posibleng nagpadala ng mensahe sa text. Kuwento pa ni Liezl sa StarTalk nang sagutin ang ipinadalang text message: âSabi ko kung gusto niya willing akong makipag-usap sa kanya. Kung gusto niyang makipag-usap sa akin, dapat siya ang tumawag sa akin di ba? Kasi wala naman akong dapat na sabihin sa kanya." Idinagdag ni Liezl na hindi na niya inaasahan na magkakausap pa silang tatlo nina Robin at Mariel dahil okay na sa kanya na tanging mga abogado na lamang ang makaharap sa para settlement. âKasi alam mo masyadong masakit yung mga sinabi nila sa akin. Hanggang ngayon yung kampo ni Robin hindi pa rin nagso-sorry sa akin, so bakit ako makikipag âusap sa kanila?" hinanakit ni Liezl. âPinagmukha daw nila akongâ¦mukha daw akong pera. Pinakita ko naman yung evidence na hindi ganun di ba? So ako pa ang makikipag-usap? Hindi, dapat sila ang mag-apologize kung ano ang ginawa nila," pahayag ng dating Mrs Padilla. Humarap sa press Samantala, sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Sabado, humarap sa showbiz press sina Robin at Mariel sa unang pagkakataon mula nang kasal sila sa Baguio. Hindi umano direktang sinagot ni Robin kung totoo na nagkaroon ng ritwal sa kasal nila ni Mariel na isinagawa sa seremonya ng Ibaloi tribe. Ang ina ni Robin na si Gng Eva Carino Padilla ay isang Igorot. Pero pagtiyak ng dalawa, masaya sila sa kanilang pagsasama ngayon. Tiniyak din ni Robin na walang masama sa naganap na Ibaloi wedding kahit isa siyang Muslim. âAng masisigurado lang po namin ay wala kaming sinasagasaan na kahit anong pananampalataya. at wala po kaming tinatalikurang pananampalataya," ayon sa aktor. - Fidel R Jimenez, GMANews.TV
More Videos
Most Popular