ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Imelda Marcos grandson Borgy Manotoc enters showbiz


Tuluyang nang pinasok ng apo ni dating First Lady Imelda Marcos na si Borgy Manotoc ang mundo showbizness. Kabilang na ngayon ang binatang anak ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos sa mga talent ng Viva. Sa ulat ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na ginanap nitong Huwebes ang maituturing na kauna-unahang showbiz pictorial ni Borgy. Pagho-host muna ng travel show o lifestyle program ang gusto niyang subukan. Posible rin kayang makita siyang umarte sa harap ng camera? “Let’s see how it goes…I’m a little bit scared, I don’t have lot of experience yet and my tagalog is still not so good," natatawang pag-amin ni Borgy sa Chika Minute ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon kay Borgy, basta masaya siya ay sinusuportahan naman daw ng kanyang pamilya ang kanyang mga desisyon katulad ng pagpasok niya sa showbiz. Ngayon nasa showbiz na siya, susunod bang papasukin ni Borgy ang politics? Bukod sa gobernador ang kanyang inang si Imee, kongresista ngayon ng Ilocos Norte ang lolo niyang si Imelda, at senador naman ang tiyuhin na si Ferdinand (Bongbong) Marcos Jr. “I’m very committed to helping but at the same time situation in politics now is a bit difficult, so I feel may be later on," pahayag niya. - FRJimenez,GMANews.TV