Lawyer denies report that James Yap refused to support Baby James
âI think itâs a lie." Ito ang pahayag ni Atty. Lorna Kapunan tungkol sa umanoây pagtanggi o hindi pag-alok ng suporta ng kanyang kliyente na si James Yap sa anak nito kay Kris Aquino na si Baby James o Bimby. Sa taped interview ng showbiz talk show na Startalk ng GMA 7 nitong Sabado, sinabi ni Kapunan na nagbukas ng bank account si James para sa anak niyang si Bimby bago pa man magkalabuan ang relasyon ng mag-asawa. âNagbukas na nga siya ng bank account or trust account for Baby James even before they started quarrelingâ¦to say that he refuses or does not offered support, I think itâs a lie," ayon sa abogado. Sinabi sa ulat may alegasyon na walang ibinigay na tulong ang sikat na basketball player nang maospital kamakailan ang anak nila ni Kris. Bukod dito, pinabulaanan din ni Kapunan na may intensiyon si James na kumuha ng anumang pag-aari ng panganay na anak ni Kris kay Philip Salvador na si Josh. Pagdiin ni Kapunan, maganda ang relasyon ng kanyang kliyente kay Josh kaya masakit umano na pag-isipan ng hindi maganda si James sa mga bagay na may kinalaman sa bata.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âIt is really sad na her whole life becomes a dramaâ¦since she has said to us sheâs not demanding anything that belongs to Josh or that belongs to Baby James. It is Kris who is talking to James saying, âIto na lang ang saâyoâ¦It is not James saying I want this," pahayag pa ni Kapunan sa panayam. Dagdag pa niya: âJames has a very good relationship with Josh and to even say that he is getting and that he has the intent of getting the properties of Josh, I think at the very least it is so hurtful." Tungkol sa amended petition na isinampa ng kampo ni Kris sa annulment case nito kay James, naniniwala si Kapunan na posibleng napag-isipan ng television host-actress na magkakaroon ng masamang epekto kay Baby James ang unang basehan na inihain nila para pawalang-bisa ang kasal ng mag-asawa. Sa inihabol na petisyon, hiniling ng mga abogado ni Kris sa Makati court na pawalang-bisa ang kasal nito kay James sa dahilang âmutual psychological incapacity" o parehong may âpersonality disorder" ang dalawa mula sa kanilang kabataan. Sinabi ni Kris sa naturang ulat ng Startalk na kailangan nilang parehong dumaan sa psychological testing na isa umanong mahabang proseso. Ang naturang petisyon ay bukod sa naunang basehan ng annulment case na inihain ng kampo ni Kris na nagsabing dapat pawalang-bisa ang kasal kay James dahil walang awtoridad ang taong nagkasal sa dalawa. âIf that happens (walang awtoridad ang nagkasal kina James at Kris) ang child nila magiging illegitimateâ¦(Kris camp) realizes it may not have a good effect on Baby James," ayon kay Kapunan. Una rito, sinabi ni Kris na isa sa mga pinagsisihan niya ay kung bakit hindi niya sinunod ang payo ng namayapang ina na si dating pangulong Cory Aquino na humingi ng pre-nuptial agreement kay James para maprotektahan din si Josh. "The regret, if you ask me, was that my mom had said to me, 'I only ask you one thing, humingi ka ng pre-nup [pre-nuptial agreement] para ma-secure mo si Josh. It was not for any other reason, and sana huwag sabihin ng mga tao na naging matapobre ang pamilya namin or anything like that, hindi, e. "My mom's concern was because Josh is illegitimate; Josh is a special child who has so many needs. So, my mom just wanted, nung time na yun, na kung anong mangyari, hindi darating sa point na maaagrabiyado yung isa kong anak. So, yun ang ano ko ngayon... "Kung meron man akong iniyak in this whole thing, nalugi talaga ang panganay kong anak," ayon kay Kris. - Fidel R Jimenez, GMANews.TV