Dinakip ang dating actor-model na si Patrick dela Rosa matapos siyang ireklamo ng tangkang panghahalay sa isang 20-anyos na babae. Sa
Chika Minute ng GMA news
24 Oras nitong Biyernes, sinabing kasama sa mga kainuman ni Dela Rosa ang biktima sa isang condominium sa Quezon City. Sa naturang condo umano tinangkang hubaran ng dating aktor ang babae. Si Dela Rosa ay sumikat bilang sexy actor noong dekada 80âs. Nanalo naman siyang board member sa lalawigan ng Oriental Mindoro sa nakaraang halalan. Sinabi sa ulat na humingi ng tulong sa pulisya ang mga security guard sa condo dahil sa kaguluhan at dinakip si Dela Rosa. Bagaman kapwa hindi napaunlak ng panayam sina Dela Rosa at umanoây biktimang babae, dinala sa prosecutorâs office ang dating aktor para sampahan ng kaso. â
FRJ, GMANews.TV