Jessica, David Bunevacz tie knot in Beverly Hills for the 4th time
Sa ikaapat na pagkakataon, muling nagpakasal sina Jessica Rodriguez at David Bunevacz na ginawa sa isang hotel sa Beverly Hills, California. Sa exclusive report ni entertainment reporter Lhar Santiago, sinabi nito na kitang-kita ang kasiyahan sa mga mukha ni Jessica at David sa muli nilang pagpapakasal. Simple pero mataimtim umano ang Christian wedding na dinaluhan ng ilang Pinay celebrities nakabase na sa US tulad nina Krista Ranillo, Patricia Javier at Antoinette Taus. Lumipat din sa US mula sa Canada si GMA Network SVP for Entertainment Wilma Galvante para tumayong ninang sa kasal.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Nagbukas ng seremonya sa kanta ng kanilang bunsong anak Breanna. Kasunod nito ay naghandog ng mensahe ang panganay nilang si Hayca, at duet ng magkapatid na si Breanna at Kuya Grant niya. Sa ilang bahagi ng seremonya ay nakita ang pagiging emosyunal ng mag-asawa. Marahil ay dala na rin ng mga pinagdaan nilang pagsubok na sa panahon ng kanilang pagsasama. Disyembre noong 2007 nang biglang lumipad patungong US sina Jessica at David matapos ang kontrobersiyang naganap sa negosyong hinawakan nila sa Pilipinas. - FRJimenez, GMANews.TV