ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Patrick dela Rosa transferred to QC jail, denies rape charge


Inilipat na sa Quezon City Jail ang dating aktor at ngayo’y board member na si Patrick dela Rosa kaugnay sa reklamong panggagahasa na isinampa sa kanya ng isang 20-anyos na estudyante. Sa ulat ni GMA News reporter Raffy Tima sa 24 Oras nitong Martes, pinabulaanan ng dating aktor ang akusasyon batay sa ipinadala nitong sulat kay Mindoro Oriental Gov. Alfonso “Boy" Umali. Gaya ng dati, tumangging magpaunlak ng panayam si Dela Rosa nang ilipat siya sa City Jail mula sa Station 7 ng QC police district. Ayon kay Tima, dumaan sa proseso si Dela Rosa tulad ng karaniwang akusado tulad ng sa finger printing, mug shot at medical examination bago siya ipinasok sa bagong piitan. Si Dela Rosa ay nahaharap sa kasong panggagahasa batay sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang “Roxanne." Sinabi ng biktima na naganap umano ang panghahalay sa kanya ng dating aktor sa isang condo sa Quezon City matapos ang isang kasiyahan. Sa nakaraang panayam kay Roxanne, tiniyak nito na hindi niya iuurong ang kaso laban sa Dela Rosa . (Basahin: Patrick Dela Rosa alleged rape victim vows to pursue case) Pero sa sulat na ipinadala ni Dela Rosa kay Gov. Umali, sinabi nito na gawa-gawa lamang ang paratang sa kanya at kanya itong patutunayan. “I deny the accusation hurled against me and I am prepared to present my witnesses and the pieces of evidence," bahagi ng sulat ni Dela Rosa. Sumulat si Dela Rosa upang ihain ang kanyang leave of absence bilang board member sa kapitolyo ng Mindoro Oriental habang dinidinig ang kanyang kaso at nakakulong. Wala raw rape na naganap Sa panayam ni Tima sa mga kaibigan ni Dela Rosa na kasama umano sa inuman nang maganap ang sinasabing panghahalay, sinabing inamin sa kanila ni Roxanne na walang naganap na panggahasa.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV “Oo inamin niya na wala naman pong nangyari saka hindi naman talaga siya nagahasa. Yung act na ginawa wala daw," idinagdag naman ni “Karla." Sinabi nila na hiningi ni Roxanne ang kanilang suporta sa kaso. Pinili umano nilang manahimik ngunit nakita nilang nagpa-interview ang biktima sa media. “Bilang babae rin mas kakampihan mo yung alam mong yung akala mong naagrabyado…Nung nandun na kami sa presinto dun na lang po niya sinabi (na walang rape na naganap," ayon kay Jenny na tumangging humarap sa camera. Nang hingan ng reaksiyon ang kampo ni Roxanne tungkol sa pahayag ng mga kaibigan ni Dela Rosa, isang text message ang ipinadala sa GMA News ni Atty Freddie Villamor, abaogado ng biktima. "According to the victim she fully cooperated with the police without any hesitation. And she stands pat on what she said in her affidavit complaint," ayon kay Villamor. - Fidel Romio Jimenez, GMANews.TV